OFW Budgeting Tips – Paano Paghiwalayin ang Pera sa Gastos, Ipon, at Negosyo?

OFW Doing Budgeting

Maraming OFWs ang kumikita ng malaki, pero walang naipon o naipundar pagkatapos ng ilang taon. Minsan ang masaklap pa ay kung kailan nag-abroad ay duon pa nabaon sa utang.

Ang problema?

Walang malinaw na sistema sa sahod o pera.

Kung gusto mong magnegosyo, mag-ipon, at suportahan ang pamilya, kailangan mo ng smart money management.

Sa article na ito, ituturo ko ang simpleng paraan para paghiwalayin ang pera mo sa gastos, ipon, at negosyo.

1. Gumamit ng “Income Basket” Method

Isipin na ang kita o sahod mo ay may tatlong lalagyan (basket):

Basket 1: >Daily Needs & Obligations (50-60%)

  • Remittance sa pamilya
  • Rent, pagkain, bills
  • Loan payments (kung meron)

Basket 2: Savings & Emergency Fund (20-30%)

  • Ipon sa bangko
  • Emergency fund
  • Retirement fund (long-term)

Basket 3: Business / Investment (10-20%)

  • Puhunan
  • Business tools or learning
  • Side income (online selling, digital assets)

Hindi naman ito eksaktong-eksakto sa lahat, i-adjust mo rin ito depende sa sitwasyon mo.

2. Mag-set ng Automatic Savings System

Sa pag-iipon, huwag mo nang hintayin na “kung ano lang ang matira,” kasi hindi mangyayari ‘yon. Unahin ang ipon, hindi ang gastos.

Gawin ito:

  • Gumamit ng digital wallet (GCash, Maya, bank apps)
  • Mag-set ng auto-transfer tuwing sahod
  • Gumamit ng 3 separate accounts:
    • Main account (panggastos)
    • Savings account (huwag gagalawin)
    • Business fund account (puhunan lang talaga)

3. Mag-budget Gamit ang “Envelope Method” (Digital o Physical)

Kung “old school” ka, puwede ang physical envelopes, pero mas madali kung digital.

Halimbawa:

  • “Pamilya Envelope” – ₱25,000
  • “Ipon Envelope” – ₱10,000
  • “Negosyo Envelope” – ₱5,000

Ang bawat ipon ay may pangalan at purpose, hindi pwedeng paghalu-haluin.

4. Bawasan ang ‘Invisible Expenses’

Ito yung mga hindi natin napapansin pero malaki ang kinakain sa budget:

  • Palaging GrabFood / Food Panda
  • Luho sa gadgets o shopping
  • Hindi planadong padala

Tipid Tips:

  • Magluto sa bahay (baka healthier pati)
  • Maglaan lang ng monthly allowance sa personal wants
  • Gumamit ng remittance plan para hindi padala nang padala kung kelan lang may humingi

5. Educate Your Family sa Pinas

Hindi lang ikaw ang kailangang matutong humawak ng pera, pati pamilya mo. Masakit man isipin pero kapag nagpadala tayo ay nakakalimutan na ng pinadalhan natin na pinaghirapan natin ito kitain.

Puwede mong gawin:

  • Bigyan sila ng monthly allowance, hindi kada hingi
  • Turuan silang mag-budget
  • Hikayatin silang magkaroon ng sariling pagkakakitaan (online, sideline, etc.)

“Hindi sa nagmamaramot ka, kundi sa pagiging matalino mo sa pera ay para sa kinabukasan naman ng lahat iyon.”

6. Itabi ang Pang-Negosyo at Huwag Galawin

Ang perang itinabi para sa negosyo ay hindi savings at hindi rin remittance.

Ito ay capital. Ibig sabihin:

  • Gagamitin para maparami ang pera
  • Ang perang ito ay iikot at magtatrabaho para sa’yo
  • Hindi gagastusin sa emergency (dahil may separate ka nang emergency fund)

Gumamit ng separate GCash/bank account para dito.

Natutuhan

Kung gusto mong umuwi sa Pilipinas na may ipon, negosyo, at peace of mind, kailangan mo ng tamang budgeting strategy habang nasa abroad ka pa.

Paghiwalayin ang pera. Bigyan ng pangalan/designation ang bawat bahagi. Igalang ang purpose ng bawat pondo.

Tandaan: “Control your money or money will control you.”

Nagustuhan mo ba ito? Paki-share naman po. Salamat 😊