Paano Ihiwalay ang Personal at Negosyo na Gastos ng OFW

OFW Couple Doing Budget

Isa sa mga pinaka-karaniwang problema ng mga OFW na may maliit na negosyo sa Pinas ay magkahalo ang pera mo at pera ng negosyo mo.

Minsan hindi mo na alam kung saan napunta ang kita. Minsan akala mo may tubo ka na, pero nauubos din kasi ginagamit sa personal na gastos. Kung gusto mong umunlad ang negosyo mo kahit nasa abroad ka, kailangan malinaw ang line between personal at business money mo.

Sa article na ito ay pag-uusapan natin kung paano mabisang i-separate ang personal money mo sa pera ng business mo.

Bakit Mahalaga ang Paghiwalay

  • Pag magkahalo ang personal at business na pera, mahihirapan kang malaman kung kumikita ba talaga ang negosyo mo.
  • Madalas nauubos ang kapital kasi ginagamit sa panggastos ng pamilya o sa biglaang emergency.
  • Mahirap mag-track ng gastos kapag walang sistema. Diyan nagsisimula ang miscommunication at away pa nga minsan.

Kaya dapt: magkahiwalay ang pera ng negosyo mo sa sariling gastos mo.

Mag-open ng Separate Bank Account

Simpleng step lang pero sobrang laking tulong nito:

  • Mag-open ng ibang savings o checking account sa bank para sa negosyo lang.
  • Kung may trusted family ka, sila muna magpa-open. Kailangan lang ng valid ID, proof of billing, at initial deposit. (Kung minsan may mga representative naman sa abroad ang mga banko sa atin tulad ng Land Bank)
  • Huwag gamitin ang ATM ng negosyo sa personal na panggastos!

Tip: I-monitor online. Halos lahat ng bangko ngayon may online banking.

Simpleng Bookkeeping Para sa OFW

Hindi mo kailangan ng accountant agad, puwede magsimula sa simple muna:

  • Gumamit ng Google Sheets o Excel para i-record ang lahat ng income at expenses weekly.
  • Mag-assign ng taga-report, family mo o staff, na magpapadala ng snapshot every Friday.
  • Kung notebook lang muna, okay din basta updated at may resibo.

Mag-Set ng Rules sa Kapamilya o Partner

Minsan kapamilya lang ang nagbabantay ng negosyo, ayos lang ‘yan basta malinaw ang rules.

  • Sino ang puwedeng maglabas ng pera?
  • Ano lang ang pwedeng pagkagastusan?
  • Paano dapat i-approve ang gastusin?
  • Dapat ba may resibo lahat?

Mas malinaw ang usapan mas iwas stress at away o tampuhan.

Gamitin ang Technology

Hindi mo kailangan magbayad agad ng mahal na system, puwede ka magsimula sa basic:

  • POS (Point of Sale) system kung tindahan, para automated ang benta at inventory.
  • Expense tracking apps: Money Manager, Wave Accounting (free), or CashBook.
  • Gamitin ang online bank statements para i-check kung may suspicious withdrawals.

Common Mistakes ng OFWs

  • Ginagamit ang kita ng negosyo para sa pang-personal na gastusin o utang.
    I-set aside ang sweldo mo bilang owner, kung may kita na, pero huwag ubusin lahat.
  • Walang record ng gastos.
    Lahat isulat, kahit barya. Small leaks sink a big ship.
  • Walang budget plan.
    Kahit basic: income goal, expense limit, at clear na percentage ng reinvestment.

Natutuhan

Ang hiwalay na pera ay sikreto ng maayos at lumalagong negosyo.

Simple lang: pag alam mo ang daloy ng pera mo, mas confident ka kahit nasa malayo ka. Hindi ka manghuhula kung may kita o wala, dahil ang kita mo, kita mo talaga.

Action Steps:

  • Mag-open ng magkahiwalay na bank account. Ang isa ay para lang sa negosyo at ang isa naman ay sa pampersonal mo
  • Gumawa ng simpleng tracking sheet ngayon din.
  • I-set ang rules sa pamilya o manager.
  • I-monitor ang pera mo kahit saan ka man sa abroad.

Tandaan: Pera mo, negosyo mo, alin ang alin, dapat malinaw para tuloy-tuloy ang asenso mo!

Nagustuhan mo ba ito? Paki-share naman po. Salamat 😊