Goal Setting 101: Paano Gumawa ng Clear na Financial Goals Habang Nasa Abroad?

OFW Goal Setting

Isa sa mga pinaka-common na dahilan kung bakit maraming OFWs ang hindi nakakaipon kahit mataas ang sahod ay dahil walang malinaw na financial goals.

Madalas ang mindset: “Bahala na, basta may padala.”

Pero kung gusto mong magka-negosyo, makauwi sa Pinas, at magkaroon ng long-term stability, kailangan mong matutong mag-set ng S.M.A.R.T. goals.

Bakit Kailangan ng Financial Goals?

Kapag may clear goal ka, mas alam mo kung:

  • Magkano ang kailangan mong ipunin
  • Kailan mo balak simulan ang negosyo
  • Paano mo iimprove ang current na financial situation mo

Without goals, padala ka lang nang padala. Pero kung may direction ka, bawat padala ay may purpose.

Step 1: Gumamit ng SMART Goals Formula

  • Specific – Klaro at hindi generic.
    • Mali: “Gusto kong mag-negosyo.”
    • Tama: “Gusto kong magsimula ng online store sa loob ng 6 months.”
  • Measurable – May number na sinusundan.
    • Halimbawa: “Mag-ipon ng ₱100,000 para sa business capital.”
  • Achievable – Realistic sa sitwasyon mo.
    • Kung ang kaya mo lang ipunin ay ₱5,000 per month, planuhin ayon doon.
  • Relevant – Dapat aligned sa pangarap mo.
    • Hindi lang basta nakikiuso, dapat gusto mo talagang gawin ito.
  • Time-bound – May deadline o target date, kasi ang goal na walang deadline ay wish lang.
    • Halimbawa: “By December this year, dapat meron na akong business plan at ₱50,000 capital.”

Step 2: Gumawa ng Personal Goal Tracker

Sa phone mo, notebook, o sa Excel or Google Sheet, isulat ang mga goals mo tulad ng:

Goal Amount Deadline Status
Mag-ipon para sa puhunan ₱50,000 Dec 2025 30% complete
Umattend ng online course Free Aug 2025 Not yet started
Gumawa ng business plan N/A Sept 2025 In progress

Gawin itong habit every 2 weeks: i-check kung nasaan ka na.

Step 3: I-breakdown ang Malaking Goals into Smaller Steps

Halimbawa: Goal mo ay makaipon ng ₱60,000 in 12 months. I-breakdown ito sa ganitong paraan:

  • ₱60,000 ÷ 12 = ₱5,000/month
  • ₱5,000 ÷ 4 weeks = ₱1,250/week

Mas madali itong i-manage kesa isipin agad ang buong ₱60,000 na kailangang maipon.

Step 4: I-share ang Goals Mo sa Pamilya (Pero Piliin Mo!)

I-share mo lang sa mga taong susuporta sa’yo, hindi sa mga magda-down sayo.

Puwede mong sabihin:

  • “Nag-iipon ako para sa maliit na negosyo, kaya limitahan muna ang gastos.”
  • “Mas priority ko ngayon ang kapital kaysa bagong gadgets.”

Mas madaling maging consistent kapag may kausap o accountability partner ka. Sila kasi mangungumusta kung nagawa mo na ba ito o kung nasaan ka na sa goal mo.

Step 5: Iwasan ang “Emergency Mindset”

Maraming OFWs ang hindi nakakaabot sa goals dahil:

  • Biglang may hihingi ng tulong
  • Bumibili ng luho na hindi kailangan
  • Walang budget o tracking kung saan talaga napupunta ang sahod kada buwan

Always ask: “Ito ba ay aligned sa goals ko o panggulo lang?”

Natutuhan

Ang malinaw na financial goal ang magiging compass mo patungo sa successful na buhay abroad.

Hindi sapat ang sipag sa trabaho, kundi kailangan mo rin na may direksyon ka.

Kapag alam mo kung ano ang gusto mong marating, magkano ang kailangan mo, at kailan mo ito gusto makuha, mas madali ang diskarte.

Tandaan: “A goal without a plan is just a wish.”

Nagustuhan mo ba ito? Paki-share naman po. Salamat 😊