Paano Malalaman Kung Ready Ka Nang Mag-Entrepreneurship?

OFW Ready To Start Entrepreneurship

Maraming OFWs ang nagsasabi ng: “Gusto ko sana mag-business… kaso mukhang di pa ako ready.”

Ang tanong: Kailan ka pa talaga magiging ready?

Ang pagiging ready ay hindi lang sa dami ng ipon o ganda ng business idea. Ito ay kombinasyon ng mindset, diskarte, at emosyonal na paghahanda.

Sa article na ‘to, tutulungan kitang i-assess kung handa ka na nga ba magnegosyo. Kung hindi pa ay ano ang pwede mong ayusin para maging ready ka.

1. May Clear Reason Ka Kung Bakit Gusto Mong Mag-Negosyo

Hindi sapat ang sabihin na: “Gusto ko lang yumaman.” Lalo na di tiyak ang kita at lalo na nang pagyaman sa negosyo.

Ready ka kung alam mo ang purpose mo:

  • Para makauwi na for good
  • Para sa edukasyon ng mga anak
  • Para sa freedom sa trabaho, maging boss ang sarili

Clarity = Direction. Kapag malinaw ang dahilan mo, mas magiging buo ang loob mong sumabak sa pagnenegosyo.

2. May Basic Kang Ipon (Kahit Maliit)

Hindi mo naman kailangan ng milyones, pero nangangailangan ka pa rin ng kapital kahit para sa isang small business lang.

Bago magsimula ng munting negosyo dapat may:

  • Emergency fund (3-6 months ng expenses)
  • Small business fund (kahit ₱5,000 to start)
  • Kaunting cash buffer para hindi ka ma-stress

Ready ka kung mayroon ka kahit konting panimula kahit na maliit, hindi ka mangangarag kapag may konting aberya.

3. May Willingness Kang Matuto at Mag-adjust

Ready ka kung willing kang:

  • Mag-aral ng financial literacy
  • Matuto ng bagong tools (like Canva, Facebook Page, Excel)
  • Makinig sa advice ng mas may experience

Hindi mo kailangang maging expert bago magsimula. Pero dapat handa kang mag-improve habang ginagawa ito.

4. Kaya Mong Maglaan ng Oras Kahit Busy

Ready ka kung kaya mong maglaan ng:

  • 30 mins to 1 hour kada araw
  • Time to research or talk to suppliers
  • Weekends para magplano kasama ang pamilya mo

Ang negosyo ay parang halaman, kailangan ng consistent na pag-aalaga, kahit kaunti lang bawat araw.

5. Marunong Ka Nang Magdesisyon para sa Sarili Mo

Ready ka kung kaya mong:

  • Tumanggi sa mga bagay na hindi aligned sa goals mo
  • Magdesisyon nang di umaasa sa approval ng ibang tao
  • Panindigan ang sariling plano kahit may criticism

Business requires strong decision-making. Kung puro “sabi ni ganito,” baka madali kang maimpluensiyahan.

Sa kabilang banda naman, kung ikaw yung di makapagdesisyon ay baka di ka na makapagpasimula.

6. Marunong Kang Humingi ng Tulong sa Tamang Tao

Ready ka kung:

  • May mapagkakatiwalaan kang pamilya o kaibigan na pwedeng tumulong sa Pinas
  • Willing kang maghanap ng mentor o coach
  • Nakiki-network ka na ngayon pa lang (di po yung networking na MLM ha )

Hindi lahat kayang magnegosyo mag-isa. Ang network mo ay asset mo.

7. Hindi Ka Na Takot Magkamali (Mas Gusto Mo Nang Subukan)

Ready ka kung mas iniisip mong:

“Paano kung mag-work?” kaysa “Paano kung pumalpak?”

Hindi naman ibig sabihin na di ka na dapat makaramdam ng anumang kaba, kundi dapat lang na mas malakas ang desire mong mag-try kaysa manatili sa takot.

Natutuhan

Ready ka na talagang magnegosyo kung:

  • May malinaw kang layunin
  • May kahit maliit na puhunan
  • Marunong kang magdesisyon at mag-manage ng oras
  • Willing kang matuto at harapin ang risks

Di kailanman magiging 100% perfect na ready ka at pati na ang timing. Pero kung ang puso, isipan, at diskarte mo ay naka-align, that’s the sign na ready ka na to take the first step.

Nagustuhan mo ba ito? Paki-share naman po. Salamat 😊