Ngayong panahon na ng internet at halos lahat ng tao ay may smartphone, hindi mo na kailangang na magkaroon ng physical store o puwesto para makapagnegosyo.
Kahit OFW ka na nasa abroad, may mga online business na puwede mong simulan kahit sa maliit na puhunan, at kahit part-time lang.
Ready ka na bang pumili ng negosyo na sakto sa lifestyle mo?
1. Facebook Page Selling
Magbenta gamit lang ang FB Page at Messenger. Puwedeng ikaw ang magpadala ng stocks sa pamilya mo sa Pinas na siyang magdi-deliver.
Puwedeng ibenta:
- RTW clothes
- Korean skincare
- Home items
- School/office supplies
Tools
- Canva for promos
- GCash for payment
- Facebook Shops (optional)
2. Shopee / Lazada Store
Kung gusto mong mas malawak ang market, pwede kang magbenta sa Shopee o Lazada.
Mga kailangan:
- Partner sa Pinas na taga-ship
- Products (pwede ka mag-supply o reseller lang)
- GCash or bank account for payout
Tip: Puwede kang magsimula sa pre-order basis para maliit lang ang puhunan, para wala masyado inventory.
3. Print-on-Demand (No Inventory Needed)
Gumawa ng designs, tapos sila na bahala sa printing at shipping.
Sample products:
- T-shirts
- Tote bags
- Mugs
- Phone cases
Tools:
- Canva (for designs)
- Merchiful, Teespring, or Printful
Kita: Per item sold, may markup ka (Ex. ₱150-₱300 per shirt)
4. Digital Course or eBook Selling
May alam ka sa isang topic? Gawing digital product!
Halimbawa
- “Paano Magsimula ng Sari-Sari Store”
- “Online Selling 101 for Beginners”
- “Basic Investing for OFWs”
Tools:
- Gumroad
- Payhip
- Canva (for layout)
Once uploaded passive income na ‘yan.
5. Pasabuy / Personal Shopper Service
Kung nasa bansa ka na maraming Pinoy gusto ng products mula halimbawa sa Saudi, Japan, o Korea, puwede kang magbenta via pasabuy.
Panno gagawin:
- Post ka sa FB/IG ng products
- Mag-pasabay ang mga kaibigan/kakilala
- Padala mo by cargo or balikbayan box
Tip: Gamitin ang cargo shipping box system para tipid sa padala.
6. Blogging or Niche Website
Kung mahilig kang magsulat, pwede kang gumawa ng blog na may niche (OFW tips, parenting, budgeting, etc.)
Saan manggagaling ang kitaan?
- Google AdSense
- Affiliate links
- Sponsored posts
Platform na gagamitin:
- WordPress
- Blogger
- Medium
Patience needed: Ang kitaan kasi after 3-6 months ng consistent content.
7. YouTube Channel
Ang YouTube ay powerful tool para sa extra income.
Sample content ideas:
Saan manggagaling ang kitaan?
- Ads mula YouTube mismo
- Affiliate links
- Brand sponsorships
Tips: Pwede kahit ang cellphone mo lang gamit mo sa simula.
8. Social Media Management Services
Kung marunong ka sa Canva, Facebook, IG, puwede mong i-offer ang sarili mo bilang social media manager.
Prospective clients:
- Small businesses
- Content creators
- Online stores
Tools:
- Canva
- Meta Business Suite
- Notion or Trello (for planning)
9. Dropshipping
Online business na wala kang physical inventory. Kapag may umorder, third-party seller na ang magde-deliver.
Tools:
- Shopify + DSers
- WooCommerce + AliExpress
Tandaa: Mas mahirap sa umpisa, pero once tumatakbo na, pwede na i-automate.
10. Affiliate Marketing
Promote ka lang ng produkto, tapos kapag may bumili gamit ang link mo ay may commission ka. Wala itong dagdag sa gastos o presyo na babayaran ng customers mo, gamitin man o hindi ang link mo mismo.
Platforms:
- Involve Asia
- Shopee Affiliate
- TikTok Affiliate Program
Tools:
- TikTok videos
- Facebook posts
- Blog or email list
Kita: 5%-20% mula sa price depende sa product at platform.
Natutuhan
Hindi mo kailangang umuwi para makapagsimula ng negosyo.
Sa tulong ng internet at tamang strategy, puwede ka nang:
- Kumita ng extra
- Magtayo ng brand
- Maghanda para sa pag-uwi for good
Pili ka ng isa at pagkatapos ay focus ka muna duon, at saka mo expand.
Ang tanong lang: Alin sa 10 ang gusto mong subukan ngayon?