First 5 Steps ng Isang OFW Para Maging Entrepreneur

OFW Taking First Step to Entrepreneurship

Gusto mo bang magka-business habang nasa abroad ka? Marami kang nakikitang success stories online ng mga OFW na may sariling coffee shop, tindahan, o online business. Pero minsan, hindi mo alam kung saan ka magsisimula. Don’t worry, lahat ng entrepreneur dumaan sa pagiging baguhan.

Ang mahalaga ay magsimula ka sa unang limang tamang hakbang.

Step 1: Kilalanin ang Sarili Mo

Bago mo pag-isipan ang mga business ideas, kailangan mo munang kilalanin kung ano ang bagay sa’yo.

  • Ano ang hilig mo? (Mahilig ka ba magluto? Magbenta? Mag-organize?)
  • Anong skills at work experiences na meron ka?
  • May mga bagay ba na may passion kang gawin kahit walang bayad?

Example: Kung mahilig ka sa skincare at nagbebenta ka na sa mga kaibigan mo, baka bagay sa’yo ang magbenta ng beauty products online.

Step 2: Maghanap ng Simple at Swak na Business Idea

Hindi mo kailangan ng malaki at masalimuot na negosyo. Start small at start smart. Hanapin mo ang mga:

  • Low capital business ideas
  • May demand sa area ng pamilya mo sa Pinas
  • May mga kakilala kang pwedeng makatulong at mapapagkatiwalaan (family, friends, contacts)

Sample ideas:

  • Pasabuy o online reseller
  • Mini-grocery o variety store
  • Mobile loading business
  • Ready-to-eat food delivery (kung mayroon sa inyo na pwedeng magluto sa Pinas)

Step 3: Magplano ng Ipon o Puhunan

Hindi puwedeng bara-bara. Set a savings goal para sa puhunan mo.

  • Magtabi ng at least 10-20% ng sahod monthly
  • Huwag galawin ang capital kung hindi emergency
  • Kung may extra ka, pwedeng bumili ng small equipment (Ex. blender, cellphone, printer)

Tip: Treat your savings like a monthly bill na kailangang bayaran. Isama sa budget every month.

Step 4: Kausapin ang Pamilya mo sa Pinas

Kahit ikaw ang nagpopondo, kailangan mo pa rin ng katuwang. Open communication is key.

  • Sino ang pwedeng magbantay ng business?
  • May tiwala ka ba sa kanila pagdating sa pera?
  • I-set ang expectations (oras, bayad, kita)

Tip: Gumawa ng mini contract or agreement para clear ang usapan. Kahit kapamilya pa yan.

Step 5: Mag-aral Habang Nasa Abroad

Hindi excuse ang pagiging busy. Kahit 15–30 minutes a day lang, pwede ka nang:

  • Magbasa ng business articles (like sa OFW School)
  • Manood ng YouTube tutorials
  • Mag-join sa free webinars or Facebook groups

Tip: Consistency beats intensity. Mas okay ang tuloy-tuloy na pag-aaral kahit 15-30 minutes a day pa yan kaysa isang bagsakan tapos sawa na agad.

Natutuhan

Ang mga unang hakbang sa pagnenegosyo ay hindi ang pagbili ng produkto o pag-open ng store. Ang tunay na unang hakbang ay pagpaplano at paghahanda ng sarili. Kilalanin mo ang sarili mo, piliin ang tamang business idea, kausapin ang pamilya mo, at mag-ipon ng tamang puhunan.

Kung seryoso ka, OFW School is here to guide you nang one step at a time.

Subscribe Na!

For free OFW success and entrepreneur lessons delivered weekly to your email.

Baka yung susunod na article na ang mag-inspire sa'yo para masimulan na ang business mo.

Please wait...

Thank you for sign up!

Nagustuhan mo ba ito? Paki-share naman po. Salamat 😊