Lahat tayo ay may pangarap, lalo na tayong mga OFW. Gusto nating mag-for-good na sa atin, magkaroon ng sariling pagkakakitaan, at hindi na laging malayo sa pamilya.
Pero ang tanong: Ano ang handa mong i-give-up para matupad ang pangarap mo?
Kasi sa totoo lang, ang tagumpay sa entrepreneurship ay hindi lang tungkol sa mga ginagawa mo…
Kundi sa mga handa mong bitawan.
Pag-usapan natin ang ilan sa mga kailangan mong bitawan kung gusto mong maging successful entrepreneur.
1. Comfort Zone
Kapag OFW ka, may stable kang income every month dahil sa trabaho mo. Pero sa pagnenegosyo, kailangan mong tanggapin na:
- Hindi laging sure ang income
- Ikaw ang gagawa ng lahat ng trabaho
- Kailangan mong matuto ng bagong skills
- Kailangan mong mag-take ng risk
Comfort zone is safe, pero walang growth doon.
Lumalago lang ang negosyo kung lumalawak din ang lakas ng loob mo.
2. Sobrang Entertainment at Social Media
Ilang oras ang nauubos mo kaya sa social media scrolling kada araw? Netflix? TikTok? YouTube?
Wala namang masama sa entertainment, pero kung ito ang inuuna mo kaysa pag-aaral ng business o pagplano sa future ay sayang naman ang oras mo.
Need mong i-give-up ang sobra-sobrang paglilibang para sa pangmatagalang pag-asenso.
Mga 3. Luho at Impulse Buying
Kaya minsan hindi makapagsimula ang OFW sa negosyo kasi:
- Nauubos ang ipon sa bagong cellphone
- Bumibili ng branded na gamit para lang makisabay
- Palaging may padala kahit wala sa budget
Kung seryoso ka sa business goal mo, kailangan mong i-give-up ang:
- Unnecessary gastos
- Lifestyle na “pabonggahan”
- Mentalidad na “reward ko ‘to sa sarili ko”
Delay gratification now, enjoy real financial freedom later.
4. Takot na Pumalpak
Dapat mong i-accept na hindi lahat ng negosyo ay success agad.
Minsan:
- Malulugi ka
- Mabagal dumating ang kita
- Magugulangan ka pa ng pinagkakatiwalaan mo
Pero kung hindi mo i-give-up ang fear mo, hindi ka makaka-move forward.
Failure is part of the process.
Walang entrepreneur ang hindi nadapa, ang mahalaga ay bumangon.
5. Pakikisama sa Negatibong Tao
May mga tao sa paligid mo na:
- Hindi naniniwala sa pangarap mo
- Laging nanghihila pababa
- Pinagtatawanan ang idea mong magnegosyo
Kung gusto mong magtagumpay, kailangan mong limitahan ang energy mo sa kanila. Minsan, ang biggest cost ng growth ay distancing yourself from the wrong crowd.
Be with people who support your vision, not your distractions.
Natutuhan
Gusto mo bang umasenso? Tanungin mo muna ang sarili mo: “Ano ang handa kong igive-up para sa long-term na success?”
Hindi ito laging madali. Pero kung kaya mong magtiis ngayon, darating ang panahong ‘di mo na kailangang magtiis pa. Because your sacrifices now will become your success later.