Low-Capital Business na Bagay sa OFW na Pwedeng Simulan Kahit nasa Abroad

Start Low Capital Business

Maraming OFWs ang gustong mag-business pero laging iniisip: “Nako, kailangan kasi ng malaking puhunan?”

Hindi parati. Maigi nga na magsimula ng maliit habang natututo ka pa lang.

Marami nang OFWs ang nagsimula sa maliit gaya ng ₱5,000, ₱10,000, o minsan mas mababa pa nga. Ang importante ay madiskarte ka, may tiwala sa proseso, at marunong kang magsimula kahit maliit. Isa pa, mas okay nga yan kasi mas less ang risk mo, di ba?

Maigi na ang maging mindset mo ay bale testing the waters muna, kaysa sa biglang dive at mapasubo ka lang.

Sa article na ‘to, ibibigay ko sa’yo ang ilang OFW-friendly business ideas na low-capital pero high-potential.

1. Pasabuy / Online Reseller Business

Starting Capital: ₱3,000 – ₱10,000

Puwede kang magbenta ng:

  • Skincare at beauty products
  • Vitamins and health supplements
  • RTW clothes or shoes
  • Food products from abroad

Paano magsimula:

  • Hanap ka ng supplier (local or abroad)
  • Gamitin ang Facebook Marketplace, groups, o TikTok
  • Pakiusapan ang pamilya mo na sila ang mag-asikaso ng delivery

Tip:Gamitin ang oras mo abroad para maghanap ng quality suppliers.

2. Home-Based Food Business (with Family)

Starting Capital: ₱2,000 – ₱5,000

Kung may magaling magluto sa pamilya mo, pwede kang mag-invest sa:

  • Ready-to-eat meals (ulam packs)
  • Kakanin at native snacks
  • Merienda packs for delivery
  • Pulutan packs

Paano magsimula:

  • Ikaw ang magpondo, sila ang magluto at magbenta
  • Gumawa ng simple branding o packaging
  • Tumulong sa pag-promote online kahit nasa abroad ka

Tip: Gumawa ng Facebook Page, mag-post ng pictures, at i-share sa OFW community groups.

3. Loading Business / eLoad + Bills Payment

Starting Capital: ₱1,000 – ₱3,000

Sa panahon ngayon na masyadong busy na mga tao, puwede kang kumita sa pag-provide ng convenience sa kanila.

Paano magsimula:

  • Mag-register sa GCash, Paymaya, o third-party apps (like LoadCentral)
  • Pakiusap sa trusted family member na mag-asikaso
  • Ikaw ang mag-top up at mag-track ng kita

Tip: Pwedeng sabayan ito ng small convenience store para dagdag income.

4. Online Freelancing Business (Puwede sa’yo mismo!)

Starting Capital: Almost ₱0 – ₱1,000 (pang-internet or software lang)

Kung may skills ka sa:

  • Graphic design
  • Writing
  • Social media
  • Virtual assistance

Paano magsimula:

  • Mag-sign up sa platforms like Upwork, Fiverr, or OnlineJobs.ph
  • Gumawa ng portfolio
  • Mag-apply sa small gigs hanggang makabuo ng clients

Tip: Kung ikaw ay hands-on, pwede mong gawin ito part-time kahit OFW ka.

5. Printing Business (Online Orders)

Starting Capital: ₱5,000 – ₱10,000

Puwede kang magbenta ng:

  • Personalized mugs, shirts, tote bags
  • Stickers and souvenirs
  • Invitations at digital products

Paano magsimula:

  • Maghanap ng local supplier or printing partner sa Pinas
  • Tumanggap ng orders online
  • Magpadala ng payment from abroad, sila ang mag-print at deliver

Tip: Gamitin ang Canva o design apps para gumawa ng sarili mong designs.

Natutuhan

Ang tunay na puhunan sa negosyo ay hindi lang pera, kundi dedikasyon, diskarte, at focus sa needs ng market.

Kung OFW ka at gusto mong makapagsimula ng negosyo o side hustle, piliin ang negosyo na:

  • Kaya mong i-manage kahit nasa abroad
  • May mapagkakatiwalaan kang taong tutulong sa Pinas
  • Swak sa hilig at skills mo

Magsimula sa maliit, pero mag-isip nang malaki. Kasi ang ₱5,000 na negosyo ngayon, pwedeng maging ₱50,000 o higit pa kung tama ang diskarte.

Nagustuhan mo ba ito? Paki-share naman po. Salamat 😊