Paano Magsimula ng Small Business sa Pinas Kahit Nasa Abroad Ka?

OFW Woman Managing Remotely a Small Business in Philippines

Marami sa ating mga OFW ang nangangarap: “Pag-uwi ko, sana may sarili na akong negosyo.”

Pero ang tanong: Kailangan ba talagang umuwi ka muna bago magsimula?

Ang sagot: Hindi.

Kahit nasa abroad ka pa ay puwede ka nang magplano, magpatayo, at mag-monitor ng small business sa Pilipinas.

In this article, step-by-step nating pag-uusapan kung paano ito gawin.

Step 1: Piliin ang Negosyong Swak sa ‘Yo

Unang tanong: “Anong negosyo ang bagay sa’kin at sa situation ko ngayon?”

Tips:

  • Piliin ang simple at kabisadong negosyo sa area ninyo
  • I-match sa skills ng kamag-anak na tutulong sa Pinas
  • I-consider ang budget mo monthly

Common OFW-started businesses:

  • Sari-sari store
  • E-load & bills payment center
  • Online reselling
  • Food or frozen goods business
  • Rice retailing
  • Motor parts or vulcanizing shop

Step 2: Gumawa ng Simpleng Business Plan

Hindi kailangan complicated.

Ang mahalaga ay may malinaw kang plano para hindi maguluhan ang pamilya mo.

Isama sa plan:

  • Anong produkto o serbisyo ang ibebenta?
  • Sino ang magpapatakbo sa Pinas?
  • Saan kukunin ang supplies?
  • Magkano ang starting capital?
  • Paano imo-monitor ang kita at gastos?

Tip: Use Google Docs or Excel para ma-share mo sa pamilya online.

Step 3: Maghanap ng Maaasahang Magmamanage

Walang silbi ang magandang negosyo kung walang matinong magmamanage nito.

Kailangan mo ng:

  • Mapagkakatiwalaan
  • Marunong sa basic math at inventory
  • Willing matuto at sumunod sa system

Ito’y usually:

  • Asawa
  • Kapatid
  • Magulang
  • Close friend

Tip: Magbigay ng small monthly allowance kita share para motivated sila.

Step 4: Mag-start Small, Then Expand

Huwag muna all-in. Test mo muna kung talagang uubra bago ka magdagdag ng puhunan.

Halimbawa

  • Start with ₱20,000 worth of items sa sari-sari store
  • Track for 1-2 months
  • Kapag may kita at smooth ang operation ay tsaka dagdagan

Avoid:

  • Biglaang ₱50k-₱100k padala nang walang monitoring
  • Namuhunan tapos pinaubaya na lahat sa kinatiwala

Step 5: Gamitin ang Technology Para sa Monitoring

Even if nasa abroad ka, puwede mong i-monitor ang negosyo weekly o baka daily pa nga.

Tools:

  • Messenger / Viber / WhatsApp – for daily updates
  • Google Sheets – para sa kita, gastos, at inventory
  • Facebook Page – para sa online presence
  • Remitly / GCash / Bank App – for capital padala and sales deposit

Tip: Mag-set ng schedulegaya halimbawa ng every Sunday, video call for business check-in.

Step 6: Review, Adjust, Grow

After 1–2 months:

  • I-check kung may kita
  • Alamin kung may kulang
  • Mag-adjust ng presyo, stocks, o strategy

Kapag stable na:

  • Magdagdag ng paninda
  • Magdagdag ng branch o service (Ex. GCash cash-in/out, load)

Dito mo simulang makita na ang negosyo mo ay hindi lang extra income, kundi asset na.

Bonus Tips: Pampa-smooth ng OFW Business Setup

  • Mag-sign ng written agreement sa tagapamahala ng business mo
  • Create weekly reports (simpleng Excel o Google Sheets lang)
  • Treat it like a business, not charity
  • Educate your family about money management
  • Join OFW business groups online for support

Natutuhan

Hindi hadlang ang layo mo sa Pinas sa pagnenegosyo. Sa panahon ng technology at online tools, puwede ka nang magtayo ng negosyo habang nasa abroad ka pa.

Ang mahalaga:

  • May plano
  • May tiwala sa process
  • At handang matuto

Tandaan: “Ang small business na sinimulan mo ngayon ay puwedeng maging tulay ng pag-uwi mo habang-buhay.”

Nagustuhan mo ba ito? Paki-share naman po. Salamat 😊