Marami sa ating mga OFW ang nangangarap na makauwi sa Pilipinas for good. Ang isa sa pinaka-praktikal na paraan para dito ay ang magtayo ng sariling negosyo habang nasa abroad pa. Pero paano mo nga ba mamamanage ang negosyo mo kung libo-libong kilometro ang layo mo?
Huwag kang mag-alala, kaya ‘yan, basta may tama kang sistema. Sa article na ito, matututunan mo ang simple at practical na paraan kung paano magpatakbo ng negosyo sa Pinas kahit nasa abroad ka.
Step 1: Gumamit ng Malinaw na Remote Communication System
Mag-set ng regular na virtual meetings kahit weekly Zoom call man lang with your team or family na tumutulong sa negosyo.
Gumawa ng group chat (Messenger, Viber, WhatsApp) para sa daily updates. Huwag lang basta chat, dapat may structure.
Mag-set ng clear reporting system gaya halimbawa, may weekly sales report, expense report, at inventory update na isesend sa’yo.
Tip: Gumamit ng Google Sheets para transparent ang kita at gastos. I-share ito sa trusted team mo.
Step 2: Piliin ang Tamang Tao at Maglagay ng Malinaw na Kasunduan
Ang biggest issue ng OFW sa business ay trust at mismanagement, kadalasan pa nga ang kapamilya pa ang involved.
Kaya ang puwede mong gawin ay:
- Piliin ang taong mapagkakatiwalaan, dapat may track record ng pagiging responsible.
- Gumawa ng simpleng kasulatan o Memorandum of Agreement para malinaw ang hatian, responsibilidad, at rules. Kahit kapamilya pa yan ay mas maigi na yung malinaw ang lahat.
- Mag-set ng malinaw na rules and checks. Dapat malinaw kung sino ang mag-aapprove ng gastos, paano ma-track ang inventory, at paano iiwas sa mis-use ng pondo.
Step 3: Gamitin ang Technology para sa Oversight
Hindi mo naman kailangan maging techie para dito.
Tools:
- Inventory: Gumamit ng POS system o simpleng app (ex: Loyverse, Kasher, Quickbooks POS).
- Financial tracking: Google Sheets + monthly bank reconciliation.
- Customer service: May business FB Page? Gamitin ang auto-reply, canned responses, at order forms.
- Team collaboration: Google Drive, Trello o Asana kung medyo level up ang team mo.
Tip: Huwag mong gawing complicated. Simulan mo muna sa basic tools, saka na mag-upgrade habang lumalaki.
Step 4: Matutong Mag-Delegate at Mag-Empower
Hindi lahat ikaw dapat ang gumagawa. Tandaan ikaw ang CEO ng negosyo mo kahit nasa abroad ka.
- I-set ang vision at goals mo.
- Pumili ng local manager o family member na responsable, pagkatapos train them well.
- Magbigay ng guidelines kung paano mag-desisyon, huwag lahat hihingin ang approval mo.
- Empower your team pero may checkpoints para na-monitor mo pa rin.
Step 5: Mga Karaniwang Pitfalls at Paano Iwasan
- Misuse ng Pondo: Laging may transparent record, hiwalay ang personal money sa negosyo money.
- Di alam ang nangyayari: Weekly or bi-weekly video call, at wag puro chat lang.
- Lack of accountability: May reporting system at agreement. Walang kasunduan? Ikaw rin ang mahihirapan.
- Too complicated na system: Keep it simple. Walang maraming apps na di naman kayang i-maintain.
Natutuhan
Ang sikreto ng successful OFW business ay walang magic, kundi may malinaw na communication, inilagay na tamang tao, at practical na paggamit ng simple technology.
Kung tama ang setup, maiiwasan ang stress at tuloy-tuloy ang income hanggang sa araw na makauwi ka na for good.