Maraming OFWs ang may stable na trabaho sa abroad, pero gusto pa ring:
- Magdagdag ng income
- Maghanda sa pag-uwi
- Magka-business kahit maliit
Ang sagot?
Side hustle.
Ito ang extra income source na puwedeng gawin kahit may full-time work ka.
Sa article na ‘to, pag-uusapan natin kung paano ka makakapagsimula ng side hustle habang nasa ibang bansa ka pa.
1. Piliin ang Hustle na Tugma sa Oras, Skills, at Interest Mo
Hindi porket uso, bagay sa’yo. Dapat ay humanap ka ng side hustle na:
- Pwede start sa konting puhunan (o kahit zero capital)
- Kayang gawin after work or during day-off
- May skills ka na o willing kang matutuhan
Mga Halimbawa:
- Online reselling (Shopee, Lazada, FB)
- Virtual assistant
- Freelance writing or graphic design
- Dropshipping
- Affiliate marketing
- Tutoring (English or subject-based)
- Pasabuy or remittance coordination business
Kung ano ang bagay sa’yo ay dun ka magsimula.
2. Maglaan ng Schedule Kahit 1-2 Oras per Day
Ang side hustle na pipiliin mo ay dapat di sagabal sa trabaho mo, dapat maka-supplement pa nga ito.
- Mag-set ng fixed schedule (Ex. 8-10 PM kada gabi)
- Gamitin ang lunch breaks o weekends
- Gumamit ng time management tools (Google Calendar, Trello)
Hindi mo kailangang gawin ang lahat o sabay-sabay. Consistency Dami ng Oras.
3. Gamitin ang Power ng Internet
OFW ka man sa UAE, Saudi, Japan o kahit saan, basta may internet, may income potential ka.
Pwedeng gawin online ang:
- Product promotion
- Customer support
- Order processing
- Online learning or certification
Pwede mong gamitin ang mga online tools na: Canva, ChatGPT, Google Docs, Fiverr, Upwork, atbp.
4. Makipartner sa Kaibigan o Kapamilya sa Pilipinas
Kung physical product ang side hustle mo, puwede kang:
- Mag-source ng products from Pinas
- Magpadala ng stocks sa kamag-anak
- Sila ang magbenta, ikaw ang mag-manage online
Dapat may malinaw na roles, expectations, at sharing ng kita. Mas maigi na ilagay ito kahit sa isang simpleng kontrata para malinaw ang lahat.
5. Gumamit ng Maliit na Puhunan o Wala Muna
Hindi mo kailangan ng malaki agad, pwedeng:
- Puhunan lang sa load o WiFi
- Gumamit ng free apps/tools
- Gumawa ng digital product (like eBooks, templates, guides)
Sample Puhunan:
| Item | Halaga | 
|---|---|
| Basic Canva Pro (optional online app) | ₱300/mo | 
| FB Ad Boosting (online marketing/promotion) | ₱500-1000 | 
| Printing materials | ₱1,000 | 
| TOTAL | ₱0-2,000 max | 
6. Goal ng Side Hustle: Palakihin into Main Hustle or Business
Sa umpisa, extra income lang. Pero habang tumatagal, puwede mo itong:
- Gawing semi-passive income
- Palaguin habang nagwo-work ka pa
- Ihanda bilang main source of income pag-uwi mo sa Pilipinas
Ang ₱1,000/month side hustle ngayon, puwedeng ₱30,000/month business bukas.
7. Mag-Upgrade ng Skills Habang Kumikita
Habang nagsi-side hustle ka, puwede mo ring:
- Matutunan ang online marketing
- Gumaling sa customer service
- Mag-aral ng accounting o business strategy
Kikita ka na, natututo ka pa, kaya win-win!
Nagiging mas valuable employee ka pa nga sakali sa natutuhan mong mga skills sa pag-side hustle mo.
Natutuhan
Ang pagiging OFW ay hindi dapat isang income lang ang pinanggagalingan. Sa side hustle, unti-unti kang:
- Natututo magnegosyo
- Nakakabuo ng sariling kita
- Naghahanda sa pag-uwi sa Pilipinas
Sa maliit na diskarte mo ngayon ay uusbong ang malaking tagumpay bukas.
 
   
  


